Naisip kaya nila..
Corruption. Yan daw ang problema ng ating gobyerno. Oo yan nga. Walang corruption, ano ka hilo?! Sige high ka ata kung walang ganyan dito sa Pilipinas. Mismong sa eskwelahan pa lang nagsisimula na yan. Kaya siguro ganito nga ngayon.
Ayun, kaya Naisip kaya nila ang title e kasi naisip ko ano kaya naiisip ng mga anak at asawa ng mga kurakot na pulitiko dito satin. I mean siguro kung yung anak nila mga 4-6 years old lang di nila alam yun. Malalaman lang nila pag may isang tao ang nagsabing “Uy bata ang cute mo kaso kurakot magulang mo”. E yung mga asawa kaya nila, malamang Tax Evaders yun.
At kung di sila evaders, at mga propesyunal na manggagawa dito satin ganito ang mangyayari. Nakakatawa sila kasi sa mga magagandang eskwelahan sila nag-tapos at galing sa mga pamilyang may class, pero pag dating sa huli mas tanga pa sila mga taong araw araw nilang inuutusan na kumuha ng tubig.
Tsaka ang nakakatawa pa yung mga anak siguro ng isang kurakot na pulitiko. Magyayabang ng mga pinakabagong gamit kaso may isang kaklase ang maiirita at eepal at sasabihin
“Hahaha. Di naman pera ng magulang mo yan e! Pera nila ate janitor, manong guard, ni sir, ni Maam at ng mga nanay at tatay namin yan! Kinurakot lang naman ng tatay mo yan e! “
Ayun suntukan, dadalhin sa opis. Talo yung matinong klasmeyt kasi nabili na ng pulitikong yun ang pag-iisip ng mga opsiyal nung eskwelahan. Mag “Donate” ba naman ng napakalaking halaga.
)
Bakit mas Cool sa Eng’g.
Whew! Every after ng USTET exams pinaka-cool talagang tignan e yung mga aspirants na maging ENGINEERING Student ka.(Oo na, IT ako pero nasa Ruano bldg. din kasi kami kaya nakiki-Eng na kami.) Di ko lam kung anong droga ang ininject, brand ng solvent na hinithit o pagsulsol ng magulang ang nangyari kung bakit isang graduating HS student ay naisipang pumasok sa Eng’g.
Tadhana o biro ng tadahana. Yan lang naman ang dahilan siguro kung bakit ka nag-Eng. Siguro e minsan di lang ako yung nagtatanong sa sarili ko kung bakit nasa Eng’g ako kahit wala talaga sa plano ko ang makabit sa Eng’g.
Pero pag katapos ng 2 sem at kalahati, naisip ko “WEEEOW! Cool dito!!”. Bakit? O eto..
1) PASSING MARK – Kumbaga sa algebra(al-JEE-bra), di siya constant na variable. Yan lagi yung missing X. Pwedeng 60 maging 55. Pero worst case scenario 45!! Pero kahit 45 na may nakakalusot ng 40 below pag dating ng clearnce. TENEN!
2) PROJECTOR – Ang nagpapatunay ng Law of Supply and Demand. Masaya kasi minsan pag walang projector prof mo, SW na lang. Ayos!
3) MATH SUBJECTS – Wan ko lang, pero may iba pa bang college na kayang mag sabay sabay ang anal geom,solid geom at trigo ng isang sem?! Gano ka discrete ang math niyo?!
4) DOTA while on Class – O ano? Kayo pag bored sa subject, matutulog. Kami gising ang utak sa pag-iisip kung ano magandang build, sino ang igagang-bang at saan mag clash. Walang palag ang listong teacher sa kapangyarihan ng alt+tab.
5) WILDEST IMAGINATION – Siguro mas magaling na kami mag imagine kesa sa CFAD. Panu ba naman ang drawings nila sobrang lupet na anime o kaya mukha pero the heck common na yun. E kami? mag dodrawing ng kahon na may button na may caption sa baba na ”Press button to eject prof”. Panis…
6) LENIENT PROFS – Ilang beses na kaming binantaan na kuhaan ng ID pero wala e. Pag nag second warning na wala pa din
)
7) ICS DEPT./MOUNTAINEERING TEAM – Mga ICS freshmen student ang mga bagong recruit ng Mountaineering team ng eng’g. At kung akala mong baba ka ng floor every year, think again. It’s both a gift and a curse.
8) ENG’G Students CAN PLAY AND STUDY HARD – DL ka na sa acad, TOP KILLER ka pa sa DoTA.
9) OUR WOMEN GOT BEAUTY, BRAINS and TALENT – San ka pa? Maging GF mo magaling sa math, maganda, kaya mag drawing, mag ayos ng appliance, mag tune-up ng kotse, mag manage ng industry, maging susunod na IT innovator at gumawa ng sariling DISHWASHING LIQUID!! BANGIS!!!
10) ONE STRIPE says it all – ISANG STRIPE LANG ALAM NA. ONE STRIPE = 100+ years of academic and summer excellence.
-This is crap.
sensword blagh
Hay, iba talaga ang balik ng karma no? Ang lakas ko mang-gago,mang-asar at mang-good time. Iba ang balik ng karma. Lalo na new year.
Ngayon, naramdaman ko nanaman na naloko ako. Di ko alam kung sadya, pero fuck it baby ang sakit. Now i know kung ano naramdaman NIYA#2 at nung tropa ko. Iba pala talaga pag may pilit na UMEEPAL sa buhay.
Yeah. Fuck. Thats it. This night is one big FUCK.
Napagtripan ko nanaman..
Hay buhay ng cute *ehem* wala lang. Matagal na rin siguro na di ko napapansin ang topic ng PAG-IBIG. Siguro dahil sa sobrang saya ko kasama siya. Pero dahil sa pakiusap na din ng isa kong tropa why not diba? After ilang minutes ko din napagisipan kung ano ang isusulat hehehe..
Try nating gawing question and answer para mejo cool..mas madali magsulat pa ganun d i b a?
1. Define Love?
- Programmer: Its a bug
-Mathematician: Love = 1/0 undefined
-Noli De Castro: Murang pabahay
*Sheet Ang mais
yan lang ata matatanong ko e hehehe..
Pero sabi nila “love is blind”, sagot naman ng kanta “i’ll find my way back to you”. Ewan siguro most people really see love as a partner with physical beauty. Yeap, true yun pero as time passes mas tinitignan na yung ugali ng tao di ba? hehe
-I mean gf/wife mo beauty queen pero ang ugali parang wicked witch of the west.
-Hot nga bf mo pero kayo UAAP at NCAA. Baka may iba pang liga pa.:))
Pero di rin kasunod-sunod ang payo ni andrew e. Siguro mas ok nang unemployed kesa uneemployed. Atleast kung unemployed, makakahanap ka din.
“True love waits”. Sagot ko jan Bastat may nag-iintay at nag-papiintay. Kasi hintayin mo man ang pag-tunaw ng polar ice caps kung ayaw niya ayaw niya. Wag kang gago, hanapin mo yung nagmamahal sayo. Baka malay mo mahal ka din pala di lang masabi.
O yan na lang muna mejo natamad na me..baka ituloy ko. See ya prinkinasools. mErry Xmas at happy knew yir
Paskuhan…
whew..kakatapos lang ng paskuhan..ok lang ang paskuhan kung mabibigyan ko ng score bibigyan ko siguro ng 7.5 out of 10.
What I liked during the Paskuhan
1. Friends – Wew! Kahit onti lang ang aming tropa (Hiwa-hiwalay kasi) ok pa din naman ang trippings namin.
2. Fireworks – yep! mas matagal tsaka mas maganda ung ending
3. Being with her – Panalo! Hanggang uwian! Ok na ok na. Unang paskuhan with her was OK
What I hated about paskuhan
1. Congested Text meassaging ang Calling – Sige try nio maghanapan sa paskuhan. Parang aning din kami e, kung kelan alam naming masikip ang connection saka kami nagpapaload ng bongga at magtatawagan! Weeehee!!
2. Raffle – Wahh!! Tae talo…(yey! nagrereklamo ako kahit 3 lang ang binili ko ng ticket haha )
3. Concert – di ko trip yung bands and di ko feel ka-jam yung mga blockmates niya (natural lang yun). Pero atleast kasama ko siya
. [ 50:50 on this hate
) ]
4. Nakita ko pa yung dating manliligaw – Parang tanga naiinis pa din ako. e kami na nga. Sana nga nag-dilim paningin niya at natapilok,nahulog sa manhole, dumiretso sa Laguna de bay at pinagpiyestahan ng mga mutated Janitor fish.
5. Yung No.4 talaga. Siguro balik ng karma.
—
Pero ang baliktad utak talaga yung mga pumunta ng paskuhan e. Mga Party Pips -Wew! akala nila isang malaking bar/club ang grandstand. Siguro kung pupunta ka ng paskuhan, mag casual ka muna baunin mo na lang yung pang party mo. BOBO!
-enjoy na sana. spoiler ang talaga ang ending. Sana sa tan yan kee na lang kami tumambay. Bolshkrapn.
20 Pagkat..

my interpration of the word PAGKAT in abstract
Pagkat… Ang pagkat… ang dakilang P**AINANG salitang pagkat… Ang isa sa mga dakilang KJ words sa iyong walang kwenta at senseless na buhay…
Andami na ring desisyon ang nasira ng pagkat. Sumpa na yata sa tao ang salitang pagkat. Parang ganito.
1. Di ka pwede jumingle PAGKAT cleaning time.
2. Di ka pwede mag elevator sa 5 floors na impyernong gusali PAGKAT para lang sa teacher.
3.Di ka pwede maglaro ng DoTA(LAOS) o Spore PAGKAT Class Time.
4. Di ka pwede matulog PAGKAT importante daw ang boring at senseless na subject.
5. Di ka pwede mag correq ng subject PAGKAT di ka graduating
6. Di ka pwede grumaduate PAGKAT di ka pasado.
7.Di ka pwede grumaduate PAGKAT bobo ka.
8.Di ka pwede mag react ng gusto mo PAGKAT di yung ang reaction ng nakakarami.
9. Di ka pwede mag PSP pag walang prof PAGKAT sayang daw oras mo dun.(Di naman kais pauso ampf..)
10. Di ka pwede magpasok ng kotse PAGKAT walang sticker ng unibersidad ang kotse niyo.
11. Di ka pwede mag bayad ng discounted PAGKAT wala talagang pasok.
12. Di ka pwede mag suot ng skinny jeans PAGKAT ang baboy mo na.
13. Di ka nagparegister para bumot PAGKAT bulok, amoy ilog pasig at ilan lang ang pwedeng magaccomodate sayo.(E ANONG PAKI KO KUNG NUNG JANUARY PA NAGSTART!)
14. Di ka pwede pumalag PAGKAT mas malaki yung nangbubully sayo.
15. Di ka pwede umapela sa final paper mo kaya ka naZERO PAGKAT di binasa ng gunggong mong guro ang pinagawa niyang super -limited- edition -ang- submission- with- matchin- kakain- ako-ng-sopas.
16.Di ka pwede umapela sa 52/88 mong quiz PAGKAT sabi ng teacher mo na di ka tumitingin samantalang dapat sinasabi niya kung ilan dapat ang hawak mong papelat magcheck kung yung mga sinabmit mong papel ay tama at kumpleto.
17.Di ka pwedeng lumabas ng bahay PAGKAT bumaha na kasalanan mo rin naman kasi akala mo ay trash can mo ang buong Pilipinas
18. Di ka pwedeng mag Facebook tuwing comp lab niyoPAGKAT binlock ng school mo yung site.
19. Di ka pwedeng mag DL PAGKAT bobo ka..(WEHHH INULIT! PQPQPQPQPQPQPQ!)
20. Di ka pwedeng magsabing korni BLOG na to PAGKAT binasa mo ang pagn 20th na item na to.
PRIKINASOOL!!
Ang boboto ko..
Haha..Yey! Ang ganda ng perspective ng mga kabataang Pinoy sa pagdating ng eleksyon.
Ang sabi:
1. Iboboto ko yung may TAKOT SA DIYOS
2.yung DI CORRUPT
-> In short. Imaginary na lang
)
Boboto na(ba) kami.(?)
Kakatapos ko lang mapanuod ang isang episode ng Kalye. Kalahig ang title nung episode. Ipinakita dun ang mga kababayan nating nangongolekta ng basura para lamang may ipangkain sa araw-araw. Biglang ipinalbas dun ang range ng kita ng isang Pilipino upang siya’y maiconsider bilang isang mahirap. Nasabi ng host ng programa na ito raw ay binabago ng gobyerno upang masabi lamang na hindi ganoon kalakiang problema.
Ngayon, napaisip ako. Sa darating na eleksyon ang taong iboboto ba naming kabataan ay masusolusyonan ang problemang ito. Nasabi ko sa sarili ko ang kelangan naming iboto ay:
1. Nakakakita – Hindi bulag sa hirap at problema ng ating bansa.
2. Malinaw ang pandinig – Marunong makinig hindi lamang sa mga taong malapit sa kanya ngunit dapat sa taong kanyang pinagsisilibihan.
3. Marunong mag-isip – Di na namin kelangan ng tuta upang iboto.
4. May moralidad -Kelngan natin ng di lang isang matalinong lider ngunit ang kelangan natin ay isang taong may konsensiya rin sa pamumuno.
Yang apat lang siguro kung meron siya nun baka kahit papano e aayos ang magiging pag papatakbo sa ating bansa
Sige bahala ka…
Ang pinaka malupet na feeling sa mundo ay ang panghihinayang. Hindi ko alam kung bat pano napaghahalo ng pagkahinayang ang tuwa,lungkot at galit. Parang kakain ka ng chocolate ice cream na natunaw at natabig ang isang subo. Pero atleast nakakain mo pa din di ba?