Sige Sulat lang :)
“Pucha, ang hirap mag isa sa mga oras na ganto” bulong ni Perdinand sa sarili habang nakakubli sa isang sulok na kwarto. Dahan-dahan niyang ikinasa ang kanyang baril. Ayaw niya kasing marinig ito ng mga tao sa labas. Tiyak, dudumugin siya ng mga ito. Maingat niyang pinapakinggan ang lahat ng tunog na pwede niyang marinig sa gitna ng dilim na kinalalagyan niya.
Alas 8 na ng gabi
Di siya makatulog
Bat naman kasi siya nag presinta kumuha ng mga battery. Kung tutuusin kaya pa naman ng flash light ni mang berting mag ilaw.
Yan ang mga ideyang pumapasok sa isip niya.
“warghh..warghh”
Nanigas ang lahat kay Perdinand, as in lahat, nang marinig ang ungol na iyon. Dahil kulang sa matinong tulog at pagkain, di niya alam ang kanyang gagawin. Dahan dahan siyang umuurong, gamit ang pader bilang gabay, patungo sa pintuan (na tanda niya nung una nia itong pasukin). Sa bawat urong niya ay papalakas ang ungol ng tao
“Warghhh… Wargghh”
kaluskos ng paa nito at sinasabayan ni perdinand. Wag lang siya mahuli. Kahit abutin siya ng isang oras bago lumabas, gagawin niya.
“pakshit. pakshit. Bat kasi ako pa. Pakshit talaga.” ang mga kataga ni perdinand sa sarili. sabik na pag inat ang mga legs niya, pero dapat tiisin niyang nakabaluktot ang mga ito to avoid detection.
“WARGGH..WARGhhh”
Mas lumakas na ang ungol, di alam ni perdinand kung naamoy na siya nito. Natigilan siya sa spot niya. dahan dahang lumakas ang ungol at pagkaluskos. na sinabayan din ni perdinand sa pag galaw.
Tumigil ang kaluskos
Tumigil din si perdinand.
Naamoy na niya ang mabantot na amoy ng panis na lamang loob. kahit sabihin niyang 3 taon na siyang nakakasalamuha ang mga taong to. Di niya pa rin matanggal ang pagkadiri sa ganoong amoy.
Tila nag moment ang taong tinataguan ni perdinand.
“ta naman, wag naman sana mag lag dito please. hanap ka na ng ibang spot” sabi ni perdinand sa sarili.
Matapos ang mga minuto ng pagtitiis, narinig ni perdinand muli ang pagkaluskos ng mga paa nito. Malakas, at unti unting humihina. Nang humina na ng sobra ay nakahinga ng maluwag si perdinand. sa tuwa niya ay tumayo siya sandali.
“stationary flex..wooo” usal sa sarili
napagisipan na niyang mag palipas ng gabi. Nakarinig muli siya ng mga kaluskos. Pero panandalian lang.
Umupo siya para mag pahinga, at sa di sinasadyang timing
“Phrthrthrrtt!!!”
SOLID na UTOT.
“TANGINA!”
At ang ma kaluskos ay naging yabag…