Pagtatapos
marso nanaman mga dre. uso nanaman ang pagsuot ng toga, pag hagis nung square hat sa ere (..tas sabay lingon sa likod pag me tinamaan). tas panahon din ng mga yakapan ng mga magkakaibigan na akala mo e di papasok sa time space warp ni shaider at di na mag kikita.
Hay..
Panahon nanaman ng pag tatapos..
Ang galing no? Elementary ka nung una mong madama ang init ng pagsabog ng dadamin mo sa panahon ng pag tatapos mo ng grade 6 (grade 7ners..sorry pows). feel na feel mo yung pag suot mo ng toga, tsaka sa loob loob mo “yey! magagaya ko na yung napapanood ko sa tv na pag hagis nung square na hat”. Nung panahon na yun, di uso ang iyakan. Masaya kayong lahat ng mga batchmates mo kasi the best naman ang grad gift na matatanggap niyo. Wala pa sa isip yung “T*&&#&# yan, akalain mo nag grad si (pinaka “talentando” or pinaka-obobs sa batch nio)”. Ang alam ko lang non, mag hahayskul na ako at may libro ako na pwedeng pang substitute sa chopping board sa bigat.
Pero minsan hassle din yung ganon e, lalo na pag lahat ng dabarkads mo may award nung araw ng grad niyo. Ako non, hiyang hiya sa nanay ko kasi lahat ng so called friends ko (may they study in peace) e may award tas ako wala. Parang gusto ko mang hapit nun e. Kahit loyalty award lang please. BASTA PAAKYATIN NIYO ERMATS KO SA STAGE!!!! pero dumaan ang ilang linggo ng practices at di man lang nakapatak ang pawis ko nun sa stage para part ng awarding..
Pero salamat kay Lord Robert Stevenson Baden-Powell (KOREK boy scout ako, laging handa (nga ba..), tsaka tama ba pangalan niya?) e naparangalan ako bilang isa sa OUTSTANDING BOY SCOUT! yeaboy! aakyat nanay ko sa stage.. Mainggit na yung mga walang award.
Tas ayun nag highschool na ako sa 400 years of unending grace. andaming chiks. Imba. High school pa lang tuwang tuwa na ako sa dami ng magagandang chikabebes na nakakasabay ko makipagsiksikan sa canteen. at pag dating ng fourth year! yea baby! nabansagan na ako muli bilang GRADUATING STUDENT. Kwento muna ako. Basta nakilala ko ang future love of my life nung nag 4th year ako. Boypren niya pa si Spongebob Squareface. Tas ok naman yung section ko nung 4th year. andaming iyakan. tawanan. pero the best, nag graduate kaming KUMPLETO.
Siguro HS grad pinaka-astig muna na grad sakin. Kasi dun ko nafeel yung pag kamiss sa mga kaklase ko nun. Sila yung mga tipong di ka iiwan ano man mangyari. Walang naghahatakan pababa. Mas gamay mo ang galaw. tsaka dun mo narealize ang importansya ng totoong mga kaibigan.HS grad namin sabi magiging bongga daw. pero di naman. pero K lang, basta nag grad ako.
Sa mga nag tapos at mag tatapos na makakabasa nitong masakit sa matang blog, congrats senyo. sabi nga sa mga grad speeches ng mga dekano at punong guro “you will be taking another step in life”. madaming bagay ang mawawala pero maraming rin namang papalit. malulungkot kayo pero may mga taong dadating na bago at mag papasaya din senyo. ASTIG kayo. kasi kayo ay mga survivors ang mga pabago bagong terror prof at passing mark. be proud kasi, isa kayo sa mga edukadong tao na pag-asa natin sa pag ahon ng ating bansa.
CONGRATS mga tol.