Bakit?

March 30, 2011 at 1:58 pm (Uncategorized)

Yeay! mag oojt na ako this summer. Asteg! kasi mafifeel ko na ang naging feeling ng mga prof ko nung mga bata pa sila (way way back mga 10,000 bc nung wala pa silang adult fats). Pero nung kumuha na ako ng babayaran sa for Summer OJT, oh my gulay! 10k pesos mahigit ang babayaran namin.

Ang nakakatae lang isipin e mag babayad kami ng Misc. fee na di naman namin magagamit. Parang ang unfair lang kasi.

Di ko kasi lubos maisip kung para san yung library fee naming mga OOJT. Hmm

Siguro pag apply namin sa mga kumpanya e ang pagagawa samin e

“To be Submitted next week, Write a 5 paragraph essay about the history of I.T., write your book references in APA format”

Oo, sabihin na nating may mga libro nga sa library na talagang makakatulong naman. Pero maiisipan mo pa bang dumaan ng library kung 9am-5pm kang nag papauto sa opis? Sige, lamog ka na sa traffic pauwi, sige makadaan ka, pero mababasa mo pa ba talaga yung hiniram mong programming na libro sa library?

Kaya nga daw nauso ang Online Resources e, kung ayaw nila ishare yung info dapat di na lang nila pinost sa mga website na pwede naman iaccess. Iwan ko lang kung bat mag babayad pa kami sa energy fee. E di naman kami sa school gagawa, di pa ba sapat yung binayad namin ng dalawang buong sem? Anak ng tinapa, pasave save the environment pa e kung hapit naman makagamit ng kuryente. Dapat sana singilin lang yung mga gagamit talaga ng facility ng school sa buong summer. Sa dami ng bumabagsak e di pa ba sapat yun?

Ewan ko lang, pero mas maaccept ko pa kung yung P1040.00 ay magagamit na lang sa FIX THE AIRCON FEE. siguro mas ok pa yun kasi in the long run magagamit pa ng maayos. Tsaka sulit ba ang 950.oo pesos para sa registration?sa dami ng mga nagbabayad niyan tuwing summer e amabagal pa rin ng proseso. Minsan napakaironic lang din ng buhay, yung tinuturo ng departamento niyo di man lang maimplement sa proseso. Asan yung analysis ng proses? Kelangan pa ba ng DFD para sa matinong registration, pag aayos ng pumipila at pag aayos ng schedule?

Kulang sa manpower? o baka naman yung mga pa-istar nung election of org officers hanggang laway na lang? di ko lang kasi alam kung bat ganun din kaimba sa chaos tuwing may registrations at clearance.

Pakisagot nga mga tol? bat ba ganung ang life sa facultad? bat kulang ang projector? bat may nagbabakaw ng projector? may IT week ba talaga? Bat may tae ng pusa sa hallway? Bat yung ibang school may A.I. at robotics sa ICS dept. satin wala? Bakit two hands up ang kanyang squizums? BAKIT?! BAKIT!?!?!?!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.