Valentine’s day Flowers – A deeper thought

February 15, 2011 at 2:38 pm (Uncategorized)

Sige tol, mawindang ka sa upuan mo. Try mo umutot para cool. Ok na? Ako kakatapos ko. Osiya siya eto na ang sabi ng ni master idol mega ulitmate pinoy philosopher Manix Abrera na “pa deep moment”.

 

Ang Valentine’s day flower kung ihahambing mo sa pag ibig mejo masuketch? Why dear? Basta basahin mo na lang tas analyze mo.

Ang bulaklak, since special ito sayo ilalagay mo sa flower vase. Araw araw mo didiligan.

Tas mapababayaan mo. Pag napansin mo nang nalalanta, gagawan mo ng paraan.

Pero dre, di ka Siya.

You cant stop the end.

Isang araw, magugulat ka na lang tangina tolits naman druy, bat ka nadeads?

Pero sa bawat araw na nag daan na habang mapusyaw ang kulay ng mga bulaklak, may mga ngiti at mga masasayang alaala itong naibabalik sayo.

Parang katulad ng relasyon mo ngayon. Siempre bago, iingatan mo at ilalagay mo sa flower vase. Bawat araw na mag kasama kayo ay tila telenovelang binura mo ang mga kontrabida. Pero habang tumatagal, mawawala ang pagdidilig ng kasweetan sa isa’t isa. Ang pagkalanta niyo ay sanhi ng mga away na di niyo na rin alam minsan kung bat ba nagsimula. Dadating ang panahon na mag sasawa kayo mag away at try nyong ayusin. Pero bigla na lang isang araw…

“Ayoko na…”

” pagod na ko…”

“BREAK NA TAYO BITCH!! BWAHAHAHAH” -> (try mo hahaha)

POOF! tapos na ang lahat. Nalanta na ang bulaklak ng pagmamahalan. Nanuyot na ang mga bulaklak dahil uhaw na sa dilig ng pagsuyo, lambing at pagiintindi. Maagang natapos. Nayamot na kasi e…

Pero siempre may isa pang uri ng Valentine’s flower. Yun yung nilagay sa paso at salamat sa diyos tumagal.Yun yung mga relasyong tinanim sa paso ng tunay na pag ibig. Parang kina lolo at lola, kulang na lang sabihan niyo nang

“Ayaw nio naman mag 75 years te? ayaw nio la? “

at ang tanging isasagot nila sayo

“APO..UTANG NA LOOB. WALANG BASAGAN NG TRIP!”

Kaya sa lahat ng magsing irog, siguraduhin na itanim sa paso ng tunay na pagibig ang inyong pagmamahalan. Yung matibay na kahit matabig e di madaling mabasag at madali ayusin. Di tulad ng flower vase, mahal nga pero pag natabig ng iba, sows kahit iglue mo bibigay din kasi durog to the bones bitch..

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.